Sunday, August 28, 2011

Araw ng mga Bayani 2011

Ngayong araw ng mga bayani, magpugay tayo sa mga bayani lalo na sa mga bagong bayani ng ating bayan! Nagpapasalamat ako sa GMA website sa video na ito sa ibaba. Ikaw sino ang paborito mong bayani!

Thursday, August 25, 2011

Happy birthday, Heneral Giap!

Kilala niyo ba si Heneral Vo Nguyen Giap? Ngayong araw na ito ay isang daang taong gulang na siya. Nalaman ko ang  kanyang kaarawan dito sa link na ito. Ngunit sino nga ba siya?

Alam niyo ba na siya ang heneral ng Vietnam na namuno sa  mga Vietnamese laban sa mga Pranses sa Battle of Dien Bien Phu noong Marso hanggang Mayo ng taong 1954.  Ang laban na ito ay naging malaking kahihiyan sa mga Pranses at naging dahilan ng kanilang pagkatalo sa  First Indochina War. Alamin ang ukol sa  First Indochina War sa link na ito.  Narito ang isang dokumentaryo ukol sa Battle of Dien Bien Phu na maari ding mapanood sa YouTube.






Kung gusto mo namang bisitahin ang Dien Bien Phu sa Vietnam, ay i-click mo ang link na ito!

Tuesday, August 23, 2011

Black Death

Maraming historyador ang nagturo sa atin na ang mga daga ang dahilan ng 'Black Death' sa Europa noong 1348 hanggang 1350. Ngunit sa isang artikulo mula sa 'The Guardian' ay iba ang naging resulta ng mga bagong pagsasaliksik. Sa halip na mula sa mga daga, ang Black Death ay nagmula sa mga tao!  Basahin ang artikulo dito.


Kung gusto mo naman ay panoorin mo ang video na ito mula sa History.com


Thursday, August 18, 2011

Filipiniana.net

Ang Filipiniana.net ay isang malaking digital library at research portal ukol sa Philippine studies. Ito ay may malawak na koleksiyon ng mga librong Filipiniana at naging mga matatandang dokumento na ang ilan ay nagmula pa sa panahon ng mga Kastila hanggang sa kasalukuyang panahon. Maraming koleksiyon sa Filipiniana.net  ngunit ang aking mga paborito ay ang mga sumusunod sa ibaba.

Tuesday, August 16, 2011

KidsPast

Ang website na KidsKnowIt Network,  ay isang malaking website kung saan maaring matuto ang sinuman  ng ukol sa Agham, Matematika at maraming pang iba. Ang KidsPast ay isa sa mga website na kasama sa malaking website na KidsKnowIt Network.  Ang website na ito  ay tiyak na kagigiliwan ng mga kabataan na gustong matuto ng kasaysayan.  Makakabasa ng isang online history textbook sa site na ito ;  meron ding mga laro ukol sa kasaysayan (history games) at mga historical quotes. 


Thursday, August 11, 2011

BestHistorySites

Ito ang aking unang blog post sa Filipino sa aking unang  blog sa Araling Panlipunan(Makabayan). Ang blog na ito ay hindi lamang maglalaman ng aking mga saloobin ukol sa  pagkatuto at pagtuturo ng Araling Panlipunan kundi ito rin ay aking koleksiyon ng mga website, artikulo at iba pang mga online resources ukol sa Araling Panlipunan. Para saking unang blog post ay gusto kong magbahagi ng isang napakahusay na website para mga mag-aaral at guro ng kasaysayan.  Ang website na ito ay ang BestHistorySites.  Ang nakakabillib sa website na ito ay naglalaman lang naman ito ng  higit sa 1200  history websites kasama ang mga links sa daan-daang mga kalidad na history lesson plans, teacher guides, activities, games at maging mga history quizzes. 


Gusto ko rin pala ngayong magbahagi ng mga video na aking nakita sa Internet na makakasagot sa tanong na - "Bakit tayo nag-aaral ng kasaysayan?'.  Ito para sa akin ay ang unang malaking hamon para sa lahat ng mag-aaral at guro ng Kasaysayan at Araling Panlipunan. Ang kasaysayan ba ay ukol lamang sa ma petsa, kilalang tao at pangyayari sa nakaraan na di naman natin malaman kung ano ang kinalaman sa buhay natin ngayon? O ito ba ay may tunay na kabuluhan?
  

Why Do We Study History? from James Nagle on Vimeo.


Pakinggan si David Kennedy, Professor ng Kasaysayan sa  Stanford University 


Reasons to Study History


Isang TeacherTube video na ginawa ni Joanna Hayes at may kasamang musika ng bandang  'Coldplay'