Friday, September 30, 2011

Sulyap sa Kasaysayan : 1948, Berlin Airlift

Ngayong araw na ito, 63 taon na ang nakaraan nagtapos ang Berlin Airlift. Ito ay isang pambihirang pagtulong na ginawa ng Estados Unidos at ng iba pang mga bansang Europeo para sa mga mamamayan ng  West Berlin noong 1948. Matapos ang World War 2, natalo ang bansang Alemanya at hinati sa apat na bahagi ng mga Amerikano, Briton, Pranses at mga Ruso ang siyudad ng Berlin. Alam niyo ba kung ano ang dahilan bakit nagkaroon ng Berlin Airlift? Gaano katagal ang Berlin Airlift at ano ang mga naging epekto nito? Panoorin ang video sa ibaba upang malaman ang sagot sa mga tanong na ito!


Set 30 - This Day in History

Thursday, September 29, 2011

Wednesday, September 28, 2011

Sulyap sa Kasaysayan - Setyembre 28

Nalaman ko sa Wikipedia na ngayong araw na ito namatay si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Hawaii noong taong 1989.  Sa araw ding ito noong 1978 namatay si Papa Juan Pablo I. Ngunit hindi lamang kamatayan ang araw na ito kundi kapanganakan din sapagkat noong Setyembre 28, 1910 ay ang kapanganakan ni dating Pangulong Diosdado Macapagal, ama ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito rin ang laman ng isang artikulo sa  Manila Bulletin Online Narito ang isang YouTube video ukol sa buhay ni Diosdado Macapagal. Mapapanood din ang video sa link na ito.

9/28 - This Day in History

Monday, September 26, 2011

Muling Pagtanaw kay Ondoy

Dalawang taon na mula ng dumating si Bagyong Ondoy.  Dalawang taon na rin ang aking bunsong si Mishel na ipinanganak noong Setyembre 23, 2009. Si Ondoy naman ay nanalasa noong Setyembre 26, 2009 ; ito ang ginugunita natin sa araw na ito.  Kayo ano ang inyong naging karanasan noong dumating si Ondoy dalawang taon na ang nakaraan? Isulat ito sa ating class blog, AP 1 Makabayan. Ngayong araw namang ito ay wala ng pasok sa mga paaralan sa buong Metro Manila dahil kay Bagyong Pedring. Handa ba kayo pag dumating ang bagyo sa inyong lugar. Anong paghahanda ang inyong ginagawa? Heto ang isang video mula sa GMANewsTV ukol dito. Mapapanood din ang video sa link na ito. 


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Narito naman ang isang GMA News TV report noong Setyembre 26, 2010, bilang pag-gunita sa Bagyong Ondoy noong nakarang taon. Mapapanood din ang video sa link na ito.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

At heto naman ang panayam ni Jesica Soho ng GMA News kay PAG-ASA Spokesperson Nathaniel Cruz noong Setyembre 26, 2009 matapos ibuhos ni Ondoy ang napakaraming ulan sa loob lamang ng anim na oras. Mapapanood din ang video sa link na ito.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Set. 26 : On-This-Day

History for September 26 - On-This-Day.com

'via Blog this'

Panoorin ang On-This-Day video mula sa History.com para sa araw na ito, Setyembre 26. Mapapanood din ang video sa link na ito.

Thursday, September 22, 2011

Setyembre 23 : On-This-Day

History for September 23 - On-This-Day.com

'via Blog this'

Panoorin din ang On-This-Day video para sa araw na ito, Setyembre 23, 2011 ng History.com!

Setyembre 23 : On-This-Day

History for September 23 - On-This-Day.com

'via Blog this'

Panoorin din ang On-This-Day video para sa araw na ito, Setyembre 23, 2011 ng History.com!

Setyembre 23 : On-This-Day

History for September 23 - On-This-Day.com

'via Blog this'

Panoorin din ang On-This-Day video para sa araw na ito, Setyembre 23, 2011 ng History.com!

History for September 23 - On-This-Day.com

History for September 23 - On-This-Day.com:

'via Blog this'

Setyembre 22 - This Day in History

Isa sa mga paborito kong history website ay ang History.com. Ngayong araw na ito nalaman ko na may 'Today in History' videos pala ang History.com. Para sa araw na ito, Setyembre 22, 2011, narito sa ibaba ang 'Today in History' video.

 

Matapos panoorin ang video, maari na ba ninyong ilista sa inyong notbuk ang mga nangyari sa kasaysayan sa araw na ito?  May alam pa ba kayong ibang pangyayari sa kasaysayan sa araw na ito? 

Nasaan ba si Pres. Noy?

Ang kasaysayan ay hindi lamang ukol sa nakaraan. Ito rin ay ukol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na magiging bahagi rin ng kasaysayan. Sa araw na ito ang top news ay ang ukol kay Pres. Noynoy. Matapos mapanood ang video na ito, alamin ninyo kung saan nagpunta ang pangulo at bakit siya  nagpunta dito? Maari niyo ding mapanood  ang video sa link na ito.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

 

Sa balitang Amerika pa rin. Panoorin ang video sa ibabs at isulat sa inyong notbuk ang isang summary ukol sa videong napanood gamit lamang ang 140 characters ; a la Twitter, di ba? Maari ninyo ding mapanood ang video sa link na ito.

Wednesday, September 21, 2011

12 Video sa Batas Militar

"As of the 21st of this month, I signed proclamation number 1081 placing the entire Philippines under Martial Law..."
Ito ang mga katagang yumanig sa bansa noong umaga ng Setyembre 21, 1972 ng ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapatupad ng Batas Militar sa buong bansa. 



Imahe mula GMANews.TV

Alam niyo ba ang nangyari sa bansa noong panahong ito? Pwede niyong tanungin ang inyong mga magulang o iba pang matatanda ukol sa pamumuhay nila noong panahon ng Batas Militar!
Narito sa ibaba ang 12 video mula sa YouTube ukol sa Batas Militar. Sa aking palagay, matapos mapanood ang mga video ay maari na ninyong masagot ang mga tanong na ito :
1. Ano ang Batas Militar at bakit ito ipinatupad ni Marcos noong 1972?
2. Paano nabago ng Batas Militar ang pamumuhay ng mga Filipino noong dekada '70 at '80?
3. Anu-ano ang mga naging epekto ng Batas Militar sa bansa?




{ Ang lahat ng video na narito ay makikita din sa link na ito o di kaya sa Track #423078.}

Batas MIlitar

Nito lang Pebrero ng taong ito, ginamit ko ang Blabberize.com upang gumawa ng isang audio recording ng pagdeklara ni Marcos ng Batas Militar noong 1972. Ngayon ay anibersaryo makasaysayang pangyayaring ito kaya ini-repost ko muli ang Blabberize na ito ngayon sa blog na ito.

 

Monday, September 19, 2011

910 World Heritage Sites sa UNESCO Places

Narinig niyo na ba ang UNESCO World Heritage Sites? Kung hindi pa ay tingnan ang website na ito para malaman ang lahat ukol sa mga World Heritage Sites.  Ang UNESCO Places ay isang napakahusay na website upang malaman ang mga World Heritage Sites!

Discover UNESCO World Heritage with Street View

Friday, September 16, 2011

Ambeth Ocampo : Stone-Age Philippines

Narito ang isang mahusay na artikulo ni Ambeth Ocampo na lumabas sa araw na ito sa Philippine Daily Inquirer.  Tinatalakay dito ang ukol sa mga stone tool artifacts na natagpuan sa Cagayan Valley, na noon pang Panahon ng Bato sa Pilipinas. Dalawang mahalagang quote ang nagustuhan ko dito ; tingnan natin kung makikita ninyo ito. Magkomento ukol sa inyong naintindihan sa artikulong ito sa ating class blog. Maari ding mabasa ang artikulo sa link na ito.


Wednesday, September 14, 2011

Bioweapon noong US War of Independence

Isang interesanteng artikulo mula sa NewScientist ang ukol  sa paggamit ng mga Briton ng bioweapon laban sa mga Amerikano noong panahon ng US War of Independence! Kung ano ang bioweapon na ito, basahin ang artikulo sa link na ito. 

Friday, September 9, 2011

Ambeth Ocampo : Stone crocs, dalawang Nicolas (es) at mga cookies ng himala

Matagal na akong tagahanga ni Prof. Ambeth Ocampo, siguro may higit sampung taon na. Kakaiba kasi at nakakatuwa ang kanyang pagsusulat ng ating kasaysayan. Simula sa araw na ito, gamit ang FlipSnack, ay ilalagay ko sa blog kong ito ang mga artikulo ni Prof. Ambeth Ocampo na kanyang sinisulat tuwing dalawang linggo sa Philippine Daily Inquirer. Ang artikulong ito, 'Stone crocs, two Nicolas(es) and miracle cookies ' , ay mababasa sa link na ito.  



Imahe via msnbcmedia

Wednesday, September 7, 2011

Bakit mahalaga ang heograpiya?

Mahalaga ang papel ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan. Isa ito sa mga salik na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan ng isang bansa.  Dahil dito malaki ang epekto nito sa pagbuo ng kasaysayan. Ikaw ano sa palagay mo ang kahalagahn ng pag-aaral ng heograpiya? Makapgbibigay ka ba ng mga halimbawa kung paano naapektuhan ng heograpiya ang kasaysayan ng isang bansa? Narito ang isang video na magbibigay liwanag sa ating paksa ngayon.

Monday, September 5, 2011

Bay of Pigs

Alam niyo ba ang Bay of Pigs Invasion? Ito ay ang nabigong pagtatangka ng CIA ng Amerika na pabagsakin ang gobyerno ni Fidel Castro sa Cuba noong 1961. Basahin ang isang online resource mula kay Michael D. Morrissey ukol dito. 
Imahe via
Alamin pa ang ukol sa Bay of Pigs Invasion sa videong ito mula sa Khan Academy.