Tuesday, March 18, 2014

Isang sulyap sa EDSA 3 at sa Rebolusyong Bolivarian ng Venezuela

14 na taon na kaming nakatira sa San Juan Resettlement Center, (Tenement), San Lorenzo Ruiz, Bgy. San Juan, Taytay pero ang totoo hindi kami lehitimong taga-San Juan at 'nakabili' lang ng pabahay dito.  Ang totoo nito sampung taon lang ang buhay na itatagal ng pabahay na ito.  Isa sa mga bagay na natutunan ko sa lugar na ito ay may mga pabahay pala na 'disposable'.  Oo, ang tawag ko dito ay 'disposable housing program' at ito ay proyekto ni dating Pangulong Joseph Estrada, na ngayon ay alkalde ng Maynila.

Linggo, Marso 9, 2014 ng malaman namin na may utos na mula sa lokal na pamahalaan ng San Juan ukol sa pag-demolish ng Tenement sa San Juan Resettlement Center, (Tenement), San Lorenzo Ruiz, Bgy. San Juan, Taytay, Rizal . Hindi madali ang pagtanggap ng mga tao sa utos na ito bagamat gusto na rin naming lumipat sa mas ligtas na tirahan. Ang tanging pumipigil lang ay ang kakulangan sa pera na gagastosin sa pagpapagawa ng bagong bahay na itatayo sa lugar na paglilipatan. 


  
Kaya't noong noong umaga ng Linggo, Marso 16, 2014, dumating ang ilang piling kawani ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) ng San Juan sa pangunguna ni Ka Ronald Lumbao  sa aming lugar sa Tenement, San Lorenzo Ruiz, Bgy. San Juan, Taytay upang kami ay mapliwanagan ukol sa aming kalagayan. Sa unang tingin sa kaniya ay sinabi ko sa sarili ko na parang kilala ko ang taong ito.  Tama sa aking hinala siya nga ay ang tanyag na si Ka Ronald Lumbao(kilala bilang organisador ng People's Movement Against Poverty), at nakilala noong panahon ni Pangulong GMA.  Heto ang isa pang YouTube video na nakita ko ukol sa kaniya.  


Matapos mapanood ang video ni Ka Ronald Lumbao ukol sa EDSA 3 ay napaisip tuloy ako ukol sa mga naganap noong Mayo 1, 2001, ang kudeta at kontra-kudeta na naganap sa Venezuela noong April 11-13, 2002 at ang kasalukuyang nagaganap na kaguluhan sa Venezuela. Heto ang aking mga tanong.

1. Tunay bang nagbitiw ang dating Pangulong Erap noong Enero 20, 2001 sa kasagsagan ng EDSA 2?

        DIARY OF EDGARDO J. ANGARA January 20, 2001

       Feb. 4, 2001 PDI  

       JOSEPH E. ESTRADA, petitioner, vs. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO,            respondent. [G.R. Nos. 146710-15.  March 2, 2001]


2. Ang EDSA 3 ba ay isang lehitimo at spontaneous na pagkilos ng mamamayan laban sa pamahalaan ni GMA noong taong 2001, 3 buwan matapos mapababa si Pangulong Erap sa puwesto o isa lamang itong pagtatangka ni Erap na guluhin ang pamahalaan ni GMA?

3. Nalaman ko na noong kudeta laban kay Hugo Chavez sa Venezuela noong April 11-13, 2002,  na hindi nagbitiw si Hugo Chavez bilang presidente ng Venezuela ngunit sumuko siya sa militar na noon ay kontrolado na ng kaniyang mga kalaban. Noong Abril 13, 2002, nakabalik si Chavez sa kapangyarihan dahil sa kilos-protesta ng kaniyang mga taga-suporta at dahil na rin sa tulong ng ilang pinunong militar na nanatiling tapat sa kaniya. Ang aking tanong ay isang 'What if ..." question - Paano kaya kung nagkaroon din ng sariling kilos-protesta ang mga taga-suporta ni Pangulong Erap noong EDSA 2, maaari kayang nanatili siya sa kapangyarihan? O maaari kayang naging mas magulo kung nangyari ang senaryong ito? 

Imahe mula sa YouTube video
Nakalimutan kong makipagkamay, magpasalamat o magpapicture kay Ka Ronald Lumbao kaya't sa pamamagitan na lang ng blog entry kong ito ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil sa kaniyang pagbisita sa aming lugar sa Taytay noong Linggo, Marso 16, 2014 upang maliwanagan kaming mga residente doon.  Maraming salamat Ka Ronald. Mabuhay ka at ang UPAO ng San Juan. Mabuhay ang ispirito ng EDSA 3(kung meron man ba talaga nito). Higit sa lahat mabuhay ang mga tulad mo na patuloy na nakikibaka para sa mga maralitang taga-lungsod at sa Inang Bayan!