Thursday, September 27, 2012

Ngayong araw na ito sa kasaysayan - Set. 28, 2012

Ayon sa Tagalog Wikipedia, sa araw na ito ay ipinanganak at namatay ang dalawang pangulo ng ating bansa. Itong araw na ito ang araw ng kapanganakan ni Diosdado Macapagal sa Lubao, Pampanga at araw din naman ito ng pagkamatay ni Ferdinand Marcos sa Hawaii noong 1989.  Para sa ating gawain sa linggong ito, maari kang pumili ng iyong gagawin - 
   
          1, Gumawa ng isang venn diagram na naghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng pamumuno ng dalawang pangulong Macapagal at Marcos ;

          2. Gumawa ka ng isang sanaysay na naghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng pamumuno ng dalawang pangulong Macapagal at Marcos. Ikaw ay may kalayaan na bigyan ng pamagat ang iyong sanaysay.
          
I-upload sa ating Facebook Group ang iyong nagawa. Ang deadline ng pagpasa ay sa Lunes, Oktubre 1, 2012.


Thursday, September 20, 2012

40 taon mula ng Batas Militar

Ngayong araw na ito ay ginugunita ng ating bansa ang ika-40 taon mula ng ideklara ni Marcos ang Batas Militar noong 1972. Alam mo ba kung bakit naganap ang Batas Militar sa ating bansa? Gamit ang Google Docs, sumulat ng isang sanaysay na maglalaman ng 200-300 salita ukol sa iyong saloobin ukol sa Batas Militar. Ikaw na  rin ang bahalang magbigay ng iyong sariling pamagat sa iyong sanaysay. Maari ka ding maglagay ng litrato, link, artikulo, website, video o kahit anong makita mo online na ukol sa Batas Militar sa ating wallwisher - Batas Militar: 40 taon na ang nakalipas.