Thursday, October 25, 2012

Maligayang kaarawan, United Nations!

How was #UNDay celebrated around the world? Take a look at these photos: http://t.co/MzXLb0X3. Thanks to all who took part! #UN4U
Oct 25 via HootSuite  Favorite  Retweet  Reply

 Noong isang araw lang, noong Oktubre 24, 2012, ay ipinagdiwang ng United Nations ang kanyang ika-67 anibersaryo. Alam mo ba kung bakit may United Nations at ano ang mga mahahalagang gawain ng Unted Nations? Mag-online at magsaliksik ukol sa United Nations. Alamin ang mahahalagang impormasyon ukol dito at gumawa ng isang maikiling sanaysay na may 300-500 salita ukol sa United Nations. Maari kang magsimula magsaliksik sa mismong website ng United NationsMay kalayaan kang mag-isip ng sariling pamagat para sa iyong sanaysay. 

[View the story "Thanks for all the UN Day posts!" on Storify]

Thursday, September 27, 2012

Ngayong araw na ito sa kasaysayan - Set. 28, 2012

Ayon sa Tagalog Wikipedia, sa araw na ito ay ipinanganak at namatay ang dalawang pangulo ng ating bansa. Itong araw na ito ang araw ng kapanganakan ni Diosdado Macapagal sa Lubao, Pampanga at araw din naman ito ng pagkamatay ni Ferdinand Marcos sa Hawaii noong 1989.  Para sa ating gawain sa linggong ito, maari kang pumili ng iyong gagawin - 
   
          1, Gumawa ng isang venn diagram na naghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng pamumuno ng dalawang pangulong Macapagal at Marcos ;

          2. Gumawa ka ng isang sanaysay na naghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng pamumuno ng dalawang pangulong Macapagal at Marcos. Ikaw ay may kalayaan na bigyan ng pamagat ang iyong sanaysay.
          
I-upload sa ating Facebook Group ang iyong nagawa. Ang deadline ng pagpasa ay sa Lunes, Oktubre 1, 2012.


Thursday, September 20, 2012

40 taon mula ng Batas Militar

Ngayong araw na ito ay ginugunita ng ating bansa ang ika-40 taon mula ng ideklara ni Marcos ang Batas Militar noong 1972. Alam mo ba kung bakit naganap ang Batas Militar sa ating bansa? Gamit ang Google Docs, sumulat ng isang sanaysay na maglalaman ng 200-300 salita ukol sa iyong saloobin ukol sa Batas Militar. Ikaw na  rin ang bahalang magbigay ng iyong sariling pamagat sa iyong sanaysay. Maari ka ding maglagay ng litrato, link, artikulo, website, video o kahit anong makita mo online na ukol sa Batas Militar sa ating wallwisher - Batas Militar: 40 taon na ang nakalipas.



Wednesday, January 11, 2012

Inquisition

Alam kung narinig at nabasa mo na ang ukol sa Inquisition. Meron ka pa bang guston malaman ukol dito? Narito ang ilang video ukol sa Inquisition. Sana mapanood mo silang lahat at ibahagi sa klase ang iyong nalaman at pananaw ukol sa mahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan ng mundo.