A blog about teaching strategies, resources and ideas for Social Studies teachers to make learning fun, relevant and exciting!
Showing posts with label Batas Militar. Show all posts

Thursday, September 20, 2012
40 taon mula ng Batas Militar
Ngayong araw na ito ay ginugunita ng ating bansa ang ika-40 taon mula ng ideklara ni Marcos ang Batas Militar noong 1972. Alam mo ba kung bakit naganap ang Batas Militar sa ating bansa? Gamit ang Google Docs, sumulat ng isang sanaysay na maglalaman ng 200-300 salita ukol sa iyong saloobin ukol sa Batas Militar. Ikaw na rin ang bahalang magbigay ng iyong sariling pamagat sa iyong sanaysay. Maari ka ding maglagay ng litrato, link, artikulo, website, video o kahit anong makita mo online na ukol sa Batas Militar sa ating wallwisher - Batas Militar: 40 taon na ang nakalipas.

Wednesday, September 21, 2011
12 Video sa Batas Militar
"As of the 21st of this month, I signed proclamation number 1081 placing the entire Philippines under Martial Law..."
Ito ang mga katagang yumanig sa bansa noong umaga ng Setyembre 21, 1972 ng ideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapatupad ng Batas Militar sa buong bansa.

Imahe mula GMANews.TV
Alam niyo ba ang nangyari sa bansa noong panahong ito? Pwede niyong tanungin ang inyong mga magulang o iba pang matatanda ukol sa pamumuhay nila noong panahon ng Batas Militar!
Narito sa ibaba ang 12 video mula sa YouTube ukol sa Batas Militar. Sa aking palagay, matapos mapanood ang mga video ay maari na ninyong masagot ang mga tanong na ito :
1. Ano ang Batas Militar at bakit ito ipinatupad ni Marcos noong 1972?
2. Paano nabago ng Batas Militar ang pamumuhay ng mga Filipino noong dekada '70 at '80?
3. Anu-ano ang mga naging epekto ng Batas Militar sa bansa?
{ Ang lahat ng video na narito ay makikita din sa link na ito o di kaya sa Track #423078.}

Subscribe to:
Posts (Atom)